Jeremias 23:32
Tingnan ninyo, hindi ako sang-ayon sa mga propeta na nananaginip ng mapanlinlang—Ito ang pahayag ni Yahweh—at pagkatapos ay ipapahayag ang mga ito at sa paraang ito naliligaw ang aking mga tao sa kanilang panlilinlang at pagmamataas. Hindi ako sang-ayon sa kanila, sapagkat hindi ko sila isinugo ni binigyan ng mga utos. Kaya tiyak na hindi nila tutulungan ang mga taong ito—ito ang pahayag ni Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 13:1Kung may lilitaw sa inyo na isang propeta o isang nagbibigay kahulugan sa mga panaginip, at kung siya ay magbibigay sa inyo ng isang palatandaan o isang himala,
Isaiah 3:12Bayan ko —mga bata ang nag-uusig, at ang mga babae ang namamahala sa kanila. Bayan ko, nililinlang kayo ng mga pinuno niyo at nililito ang direksyon ng inyong landas.
Jeremiah 23:13Sapagkat nakita ko ang mga kasalanan ng mga propeta sa Samaria. Nagpahayag sila sa pamamagitan ni Baal at iniligaw ang aking Israelita sa maling landas.
Jeremiah 23:21Hindi ko ipinadala ang mga propetang ito. Lumitaw lamang sila. Hindi ako nagpahayag ng anumang bagay sa kanila, ngunit patuloy silang nagpapahayag,
Jeremiah 27:14Huwag kayong makinig sa mga salita ng inyong mga propeta na nagsasalita sa inyo at sinasabi, 'Huwag ninyong paglilingkuran ang hari ng Babilonia,' sapagkat mga kasinungalingan ang ipinapahayag nila sa inyo.
Jeremiah 29:21Akong si Yahweh ng mga hukbo, Diyos ng Israel, ang nagsabi nito tungkol kay Ahab na anak ni Kolaias at kay Zedekias na anak ni Maasias, na nagpahayag ng kasinungalingan sa inyo sa aking pangalan: Tingnan ninyo, ibibigay ko sila sa kamay ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia. Papatayin niya sila sa inyong harapan.