Jeremias 23:5
Tingnan ninyo, ang mga araw ay paparating—ito ang pahayag ni Yahweh—kapag magbabangon ako para kay David ng isang matuwid na sanga. Mamumuno siya bilang hari; magdadala siya ng kasaganaan at magpapatupad siya ng katarungan at katuwiran sa lupain.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Samuel 23:3Sinabi ng Diyos ng Israel, sinabi ng Bato ng Israel sa akin, 'Ang isang namumuno nang makatarungan sa mga tao, namumuno ng may takot sa Diyos.
Psalms 72:1Ibigay mo sa hari ang iyong mga matuwid na mga tuntunin, O Diyos, ang iyong katuwiran sa anak na lalaki ng hari.
Psalms 99:4Ang hari ay malakas, at minamahal niya ang katarungan. Itinatag mo ang pagkakapantay-pantay; nilikha mo ang makatarungang pamamahala kay Jacob.
Isaiah 9:5Sapagkat ang mga bota ay lumalakad sa kaguluhan, ang damit na nababad sa dugo ay susunugin, bilang pandingas sa apoy.
Isaiah 9:7Sa paglawak ng kaniyang kapamahalaan, mananatili ang kapayapaan, habang siya ay nakaluklok sa trono ni David, sakop ang kaniyang kaharian, patatatagin niya at panatilihin ito nang may katarungan at katuwiran mula ngayon at magpakailanman. Ang kasigasigan ni Yahweh ng mga hukbo ang tutupad nito.
Isaiah 32:1Pagmasdan mo, isang hari ang maghahari sa katuwiran, at mga prinsipe ang mamumuno sa katarungan.