Jeremias 23:8
Sa halip sasabihin nila, 'Sapagkat buhay si Yahweh, na naglabas at nagbalik sa mga kaapu-apuhan ng sambahayan ng Israel mula sa hilagang lupain at sa lahat ng mga lupain kung saan sila dinala.' At mamumuhay sila sa kanilang sariling lupain.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 11:11Sa araw na iyon, muling iuunat ng Panginoon ang kaniyang kamay para mabawi ang nalabi sa kaniyang mga tao sa Asiria, Ehipto, Patros, Etiopia, Elam, Sinar, Hamat, at mga isla sa karagatan.
Isaiah 27:12Mangyayari sa araw na iyon na ihihiwalay ni Yahweh ang dumadaloy na agos ng Ilog ng Eufrates, hanggang sa batis ng Ehipto, at isa-isa kayong titipunin, bayan ng Israel.
Isaiah 43:6Aking sasabihin sa hilaga, 'ibalik sila;' at sa timog, 'huwag silang pigilan' Dalhin ang aking mga anak na lalaki mula sa malayo, at aking mga anak na babae mula sa malayong mga lugar ng mundo,
Jeremiah 16:14Kaya tingnan ninyo! Darating ang mga araw—ito ang pahayag ni Yahweh—at hindi na magtatagal wala ng magsasabi nito, 'Buhay si Yahweh, na siyang nagdala sa mga tao ng Israel mula sa lupain ng Egipto.'
Ezekiel 34:13At ilalabas ko sila mula sa mga tao; Titipunin ko sila mula sa mga lupain at dadalhin sila sa inyong lupain. Ilalagay ko sila sa mga pastulan sa mga bahagi ng kabundukan ng Israel, sa tabi ng mga bukal, at sa bawat pamayanan sa lupain.
Ezekiel 36:35At kanilang sasabihin, “Ang lupaing ito ay napabayaan, ngunit naging gaya ito nang hardin ng Eden; ang pinabayaang mga lungsod at ang mga lugar ng pagkawasak na walang nakatira na hindi nararating ay tinitirhan na ngayon.”