Jeremias 24:2
Ang isang basket ng igos ay napakaganda, tulad ng mga unang nahinog na igos, ngunit ang ibang mga basket ng igos ay napakasama na hindi maaring kainin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 18:13Ang lahat ng bungang unang hinog na nasa kanilang lupain, na dinala nila sa akin ay magiging sa inyo. Bawat isang malinis sa iyong pamilya ay maaaring kumain ng mga bagay na ito.
Isaiah 5:7Dahil ang ubasan ni Yahweh ng mga hukbo ay ang tahanan ng Israel, at ang mga tao sa Juda ang kaniyang kinasisiyang pananim; naghintay siya ng katarungan, pero sa halip, nagkaroon ng patayan; naghintay siya para sa katuwiran, sa halip, umiiyak na humihingi ng tulong.
Jeremiah 29:17Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, 'Tingnan ninyo, ipadadala ko na ang espada, taggutom at sakit sa kanila. Sapagkat gagawin ko silang katulad ng mga bulok na igos na hindi maaaring kainin.
Hosea 9:10Sinasabi ni Yahweh, “Nang natagpuan ko ang Israel, tulad ito ng paghahanap ng mga ubas sa ilang. Tulad ng unang bunga sa panahon ng puno ng igos, natagpuan ko ang inyong mga ama. Ngunit nagpunta sila kay Baal Peor, at ibinigay nila ang kanilang mga sarili sa kahiya-hiyang diyus-diyosang iyon. Naging kasuklam-suklam sila tulad ng diyus-diyosan na kanilang inibig.
Malachi 1:12“Ngunit nilalapastangan ninyo ito nang sabihin ninyong marumi ang hapag ng Panginoon at ang mga prutas nito, dapat hamakin ang pagkain nito.