Jeremias 24:6
Ibabaling ko ang aking mga mata sa kanila para sa kabutihan at muli silang ibabalik sa lupaing ito. Itatayo ko sila at hindi ibabagsak. Itatanim ko sila, at hindi bubunutin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 11:12isang lupaing inaalagaan ni Yahweh; ang mga mata ni Yahweh ay palaging naroon, mula sa simula hanggang sa katapusan ng taon.
Nehemiah 5:19Alalahanin mo ako, aking Diyos, sa kabutihan, dahil sa lahat ng aking ginawa para sa mga taong ito.
Psalms 34:15Ang mga mata ni Yahweh ay nasa mga matutuwid, at sa kanilang mga iyak nakatuon ang kaniyang pandinig.
Isaiah 60:21Lahat ng inyong mamamayan ay magiging matuwid; sila ang magmamay-ari ng lupain sa lahat ng panahon, ang sanga ng aking pagtatanim, ang gawa ng aking mga kamay, para ako ay maaaring luwalhatiin.
Jeremiah 12:15At pagkatapos kong bunutin ang mga bansang iyon, mangyayari na magkakaroon ako ng habag sa kanila at pababalikin ko sila. Ibabalik ko sila, ang bawat tao sa kaniyang mana at ang kaniyang lupain.
Jeremiah 21:10Sapagkat nagpasya ako laban sa lungsod na ito upang magdala ng sakuna, at hindi ang magdala ng kabutihan—ito ang pahayag ni Yahweh. Ito ay naibigay sa kamay ng haring Babilonia, at susunugin niya ito.'