Jeremias 25:33
Pagkatapos, silang mga napatay ni Yahweh ng araw na iyon ay madaragdagan mula sa dulo ng mundo hanggang sa kabilang dulo; hindi sila pagluluksaan, titipunin, o ililibing. Magiging tulad sila ng mga dumi sa lupa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 79:3Ibinuhos nila ang kanilang dugo na parang tubig sa paligid ng Jerusalem, at walang naglilibing sa kanila.
Isaiah 5:25Kaya nga, ang galit ni Yahweh ay sumiklab laban sa kaniyang bayan, at inabot niya sila ng kaniyang kamay at pinarusahan; nanginig ang mga bundok, at ang kanilang mga bangkay ay naging tulad ng basura sa mga lansangan. Sa kabila ng lahat ng ito, hindi napawi ang kaniyang galit, kaya ang kaniyang kamay ay nakataas pa rin para handang humampas muli.
Isaiah 66:16Dahil pinapatupad ni Yahweh ang paghahatol sa sangkatauhan sa pamamagitan ng apoy at kaniyang espada. Marami ang mapapatay ni Yahweh.
Jeremiah 9:21Sapagkat dumating na ang kamatayan sa ating mga bintana, pupunta ito sa ating mga palasyo, pupuksain nito ang mga bata na nasa labas at mga kabataang nasa mga pamilihan ng lungsod.
Jeremiah 16:4Sila ay mamamatay sa sakit. Walang magluluksa para sa kanila at manlilibing. Magiging katulad sila ng dumi na nasa lupa. Sapagkat darating ang kanilang wakas sa pamamagitan ng espada at taggutom, at ang mga bangkay nila ay magiging pagkain ng mga ibon sa kalangitan at ng mga hayop sa lupa.'
Ezekiel 21:11Kaya ipapahawak ang espada para pakintabin at pagkatapos ay dadamputin ng kamay! Ang espada ay pinatalim! At ito ay napakintab upang ibigay sa kamay ng isang pumapatay!'