Jeremias 25:5
Sinabi ng mga propetang ito, 'Hayaan ninyong tumalikod ang bawat tao mula sa kaniyang masasamang gawa at ang katiwalian na kanilang mga kinagawian at bumalik sa lupain na ibinigay ni Yahweh noong unang panahon sa inyong mga ninuno at sa inyo, bilang isang permanenteng kaloob.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 17:13Gayon man si Yahweh ay nagpahayag sa Israel at sa Juda sa bawat propeta at sugo, sinasabing, ''Talikuran ang inyong masasamang gawa at sundin aking mga utos at aking mga bilin, at maingat na sundin lahat ng batas aking pinag-utos sa inyong mga ama, at aking ipinabatid sa inyo sa pamamagitan ng aking mga lingkod ang mga propeta.''
Psalms 105:10Ito ay kung ano ang pinagtibay kay Jacob na alituntunin at sa Israel na magpasawalang-hanggang tipan.
Jeremiah 7:7Hahayaan ko kayong manatili sa lugar na ito, sa lupain na ibinigay ko sa inyong mga ninuno magmula pa noong unang panahon at magpakailanman.
Jeremiah 18:11Kaya ngayon, magsalita ka sa mga kalalakihan ng Juda at sa mga naninirahan sa Jerusalem at sabihin, “Ito ang sinasabi ni Yahweh: Tingnan mo, bubuo ako ng sakuna laban sa inyo. May binabalak ako laban sa inyo. Magsisi, ang bawat tao mula sa kaniyang masamang landas, kaya ang inyong mga pamamaraan at inyong mga nakaugalian ang magdadala ng mabuti sa inyo.'
Ezekiel 18:30Kaya hahatulan ko ang bawat isa sa inyo ayon sa inyong kaparaanan, sambahayan ng Israel! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh. Magsisi kayo at talikuran ninyo ang lahat ng inyong mga pagsalangsang upang ang mga ito ay hindi maging kasalanan na katitisuran laban sa inyo.
Jonah 3:8Ngunit hayaan ang kapwa tao at hayop ay matakpan ng magaspang na tela at hayaan silang sumigaw nang malakas sa Diyos. Hayaan ang bawat isa na tumalikod mula sa kanyang masamang gawi at mula sa karahasang nasa kanyang mga kamay.