The Bible Software
bible.software › Jeremias › Jeremias 25 › Jeremias 25:6

Jeremias 25:6

Kaya huwag kayong lumakad sa ibang diyos upang sambahin sila o yumukod sa kanila, at huwag ninyo silang udyukan sa pamamagitan ng gawa ng inyong mga kamay upang gawan nila kayo ng ikakasakit ninyo.'

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

And go not after other gods to serve them, and to worship them, and provoke me not to anger with the works of your hands; and I will do you no hurt.

In Context

5Sinabi ng mga propetang ito, 'Hayaan ninyong tumalikod ang bawat tao mula sa kaniyang masasamang gawa at ang katiwalian na kanilang mga kinagawian at bumalik sa lupain na ibinigay ni Yahweh noong unang panahon sa inyong mga ninuno at sa inyo, bilang isang permanenteng kaloob.

7Ngunit hindi kayo nakinig sa akin—ito ang pahayag ni Yahweh—kaya inudyukan ninyo ako sa pamamagitan ng gawa ng inyong mga kamay upang saktan ko kayo.

Read all of Jeremias 25

Cross References

Exodus 20:23Huwag kang gagawa para sa sarili mo ng anumang mga diyos kasama ko, mga diyos ng pilak o diyos ng ginto.

Deuteronomy 8:19Ito ay mangyayari na, kung inyong kalilimutan si Yahweh na inyong Diyos at sumunod sa ibang mga diyos, sambahin sila, at gagalangin sila, patutunayan ko laban sa inyo ngayon na kayo'y tunay na mapupuksa.

Deuteronomy 28:14at kung hindi kayo tataliwas palayo mula sa kahit na anong mga salita na sinasabi ko sa inyo ngayon, sa kanan o kaliwa, para sumunod sa ibang mga diyos para paglingkuran sila.

1 Kings 11:4Dahil noong tumanda si Solomon, iniligaw ng kaniyang mga asawa ang kaniyang puso sa ibang diyos; ang kaniyang puso ay hindi niya lubos na isinuko kay Yahweh na kaniyang Diyos, gaya ng kaniyang amang si David.

2 Kings 17:35at sa kanila nakipagtipan si Yahweh at inutusan sila, ''Huwag ninyong katatakutan ang ibang mga diyos, ni yuyukod sa mga iyon, ni sasambahin sila, ni mag-aalay sa kanila.

Jeremiah 7:9Nagnakaw ba kayo, pumatay at nangalunya? At nangako ba kayo nang may panlilinlang at nag-alay ng insenso kay Baal at sumunod sa iba pang mga diyos na hindi ninyo kilala?

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Jeremias 25:6

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Jeremias 25:5Jeremias 25Jeremias 25:7 →