Jeremias 25:7
Ngunit hindi kayo nakinig sa akin—ito ang pahayag ni Yahweh—kaya inudyukan ninyo ako sa pamamagitan ng gawa ng inyong mga kamay upang saktan ko kayo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 17:17Inalay nila ang kanilang mga anak na lalaki at babae sa apoy bilang mga handog na susunugin, gumamit ng panghuhula at panggagayuma, pinagbili kanilang mga sarili para gawin ang masama sa paningin ni Yahweh, at siya ay galitin.
2 Chronicles 24:19Gayunman, nagpadala siya ng mga propeta sa kanila upang muli silang ibalik sa kaniya, kay Yahweh. Nagpatotoo ang mga propeta laban sa mga tao, ngunit ayaw nilang makinig.
Proverbs 8:36Pero siya na nabibigong matagpuan ako ay pinapahamak ang kaniyang sarili; ang lahat ng namumuhi sa akin ay umiibig sa kamatayan.”
Jeremiah 19:15“Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, Diyos ng Israel, 'Makinig kayo, magdadala ako sa lungsod na ito at sa lahat ng bayan nito ng sakuna na aking ipinahayag laban dito, sapagkat pinatigas nila ang kanilang leeg at tumangging makinig sa aking mga salita.'”
Jeremiah 29:19Ito ay dahil hindi sila nakinig sa aking mga salita na ipinadala ko sa kanila sa pamamagitan ng aking mga lingkod na propeta, ito ang pahayag ni Yahweh. Paulit-ulit ko silang isinugo, ngunit hindi kayo nakinig. Ito ang pahayag ni Yahweh.'
Jeremiah 44:7Kaya ito ang sinasabi ngayon ni Yahweh, ang Diyos ng mga hukbo at ang Diyos ng Israel, “Bakit kayo gumagawa ng matinding kasamaan laban sa inyong mga sarili? Bakit nagiging sanhi kayo sa inyong mga sarili na maihiwalay mula sa Juda—mga kalalakihan at kababaihan, mga bata at mga sanggol? Walang natira sa inyo ang maiiwan.