Jeremias 26:2
“Sinasabi ito ni Yahweh: Tumayo ka sa patyo ng aking tahanan at magsalita sa lahat ng mga lungsod ng Juda na pumupunta upang sumamba sa aking tahanan. Ipahayag mong lahat ang mga salitang iniutos ko sa iyo na iyong sasabihin sa kanila. Huwag mong babawasan ng kahit na anumang salita!
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 12:32Anuman ang sinabi ko sa inyo ay sundin ito. Huwag itong dagdagan o bawasan.
2 Chronicles 24:20Dumating ang Espiritu ng Diyos kay Zacarias na anak ng paring si Joiada. Tumayo si Zacarias sa itaas ng mga tao at sinabi sa kanila, “Ito ang sinasabi ng Diyos, 'Bakit ninyo nilalabag ang mga kautusan ni Yahweh, nang sa gayon hindi kayo sumagana? Yamang tinalikuran na ninyo si Yahweh, tinalikuran rin niya kayo.'”
Jeremiah 1:7Ngunit sinabi sa akin ni Yahweh, “Huwag mong sabihin na, 'Napakabata ko pa.' Dapat kang pumunta saanman kita ipadala at dapat mong sabihin ang anumang iuutos ko sa iyo!
Jeremiah 7:2“Tumayo ka sa tarangkahan ng tahanan ni Yahweh at ipahayag mo ang mga salitang ito! Sabihin mo, 'Pakinggan ninyo ang salita ni Yahweh, lahat kayong mga taga-Juda, kayong mga pumasok sa mga tarangkahan na ito upang sambahin si Yahweh.
Jeremiah 23:28Ang propetang may panaginip, hayaang ibalita ang kaniyang panaginip. Ngunit sa isa na pinahayagan ko ng ilang bagay, ipahayag niya ng makatotohanan ang aking salita. Ano ang gagawin ng dayami sa kaniyang butil? —Ito ang pahayag ni Yahweh—
Jeremiah 28:5Kaya nagsalita si Jeremias na propeta kay Ananias na propeta sa harap ng mga pari at sa lahat ng mga taong nakatayo sa tahanan ni Yahweh.