Jeremias 27:13
Bakit kayo mamamatay, kayo at ang inyong mga tao sa pamamagitan ng espada, taggutom at salot, gaya ng ipinahayag ko tungkol sa bansa na tumanggi na paglingkuran ang hari ng Babilonia?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Proverbs 8:36Pero siya na nabibigong matagpuan ako ay pinapahamak ang kaniyang sarili; ang lahat ng namumuhi sa akin ay umiibig sa kamatayan.”
Jeremiah 27:8Kaya ang bansa at kahariang hindi maglilingkod kay Nebucadnezar, na hari ng Babilonia at hindi maglalagay ng kaniyang leeg sa pamatok ng hari ng Babilonia, parurusahan ko ang bansang iyon sa pamamagitan ng espada, taggutom at salot hanggang sa mawasak ko sila sa pamamagitan ng kaniyang kamay. Ito ang pahayag ni Yahweh.
Jeremiah 38:20Sinabi ni Jeremias, “Hindi ka nila ibibigay sa kanila. Sumunod ka sa mensaheng mula kay Yahweh na sinasabi ko sa iyo, upang maging mabuti ang mga bagay para sa iyo, at upang ikaw ay mabuhay.
Ezekiel 18:24Subalit kung ang matuwid na tao ay tumalikod sa kaniyang pagkamakatuwiran at isinagawa ang mga kasuklam-suklam tulad ng lahat ng kasuklam-suklam na ginagawa ng masamang tao, mabubuhay ba siya? Lahat ng matuwid na kaniyang ginawa ay hindi aalalahanin kapag ipinagkanulo niya ako sa kaniyang kataksilan. Kaya siya ay mamamatay sa mga kasalanang kaniyang ginawa.
Ezekiel 33:11Sabihin mo sa kanila, 'Buhay ako—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—. Hindi ko ikinagagalak ang kamatayan ng masama, sapagkat kung pagsisisihan ng masama ang kaniyang pamamaraan, kung gayon mabubuhay siya! Magsisi kayo! Magsisi kayo mula sa mga masasama ninyong pamamaraan! Sapagkat bakit ninyo kailangang mamatay, sambahayan ng Israel?'