Jeremias 27:5
“Ako mismo ang gumawa ng lupa sa pamamagitan ng aking dakilang kapangyarihan at ng aking nakataas na braso. Ginawa ko rin ang mga tao at mga hayop sa lupa at ibibigay ko ito sa sinumang nararapat sa aking paningin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 1:29Sinabi ng Diyos, “Tingnan ninyo, ibinigay ko sa inyo ang bawat pananim na nagbibigay ng buto na nasa ibabaw ng buong mundo, at bawat punong-kahoy kasama ang bungang may buto sa loob nito. Sila ay magiging pagkain ninyo.
Genesis 9:6Sinuman ang magpapadanak ng dugo ng tao, sa pamamagitan ng tao dadanak ang dugo niya, sapagkat ayon sa wangis ng Diyos ay nilalang niya ang tao.
Exodus 20:11Dahil sa ikaanim na araw Ako, si Yahweh, ang lumikha ng langit, lupa at dagat at lahat ng bagay na nasa loob nito at nagpahinga sa ikapitong araw. Kaya nga Ako, si Yahweh, ay pinagpala ang Araw ng Pamamahinga at inihandog ito sa aking sarili.
Deuteronomy 2:9Sinabi sa akin ni Yahweh, “Huwag ninyong guguluhin ang Moab, at huwag kayong makikipag-away sa kanila sa labanan. Dahil hindi ko ibibibay ang kaniyang lupain sa inyo para inyong pag-arian, dahil ibinigay ko ang Ar sa mga kaapu-apuhan ni Lot, para sa kanilang pag-aari.”
Deuteronomy 2:21isang dakilang lipi na gaya ng karamihan, at kasintaas ng Anakim. Pero pinuksa sila ni Yahweh sa harap ng mga Ammoneo, at sila ay pinalitan nila at nanirahan sa kanilang lugar.
Deuteronomy 4:25Kapag kayo ay nagkaanak at ang mga anak ng inyong mga anak, at kapag kayo ay naroon na sa lupain sa mahabang panahon, at kung naging masama kayo at gumawa ng isang inukit na hugis sa anyo ng anumang bagay, at gumawa ng kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh na inyong Diyos, para galitin siya—