Jeremias 28:6
Sinabi ni Jeremias na propeta, “Gawin nawa ito ni Yahweh! Patunayan nawa ni Yahweh ang mga salita na iyong ipinahayag at ibalik sa lugar na ito ang mga bagay na pag-aari ng tahanan ni Yahweh at ang lahat ng mga bihag mula sa Babilonia.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 5:22Ang tubig na ito na nagdadala ng sumpa ay pupunta sa iyong tiyan, mamaga ang iyong tiyan, at mabubulok ang iyong mga hita.” Isasagot dapat ng babae, “Oo, mangyari nawa ito kung ako ay nagkasala.”
1 Kings 1:36Sumagot si Benaias na anak ni Joiada sa hari, at sinabi, “Nawa'y ito nga ang mangyari! Nawa'y si Yahweh, na Diyos ng aking hari, ang magpatibay nito.
Psalms 41:13Nawa si Yahweh, ang Diyos ng Israel, ay purihin magpakailan pa man. Amen at Amen. Ikalawang Aklat
Psalms 89:52Pagpalain nawa si Yahweh magpakailanman. Amen at Amen.
Jeremiah 11:5Sundin ninyo ako upang mapatunayan ko ang sumpaan na aking ipinangako sa inyong mga ninuno, ang panunumpa na ibibigay ko sa kanila ang lupain na umaapaw sa gatas at pulot-pukyutan kung saan kayo naninirahan ngayon.”' At, akong si Jeremias ay sumagot at nagsabi, “Oo, Yahweh!”
Jeremiah 18:20Talaga bang ang sakuna mula sa kanila ang aking gantimpala sa pagiging mabuti sa kanila? Sapagkat humukay sila ng isang malalim na hukay para sa akin. Alalahanin kung paano sila tumayo sa iyong harapan upang magsalita sa kanilang mga pangangailangan, upang ang iyong matinding galit ay ilayo mula sa kanila.