Jeremias 29:8
Sapagkat si Yahweh ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, ang nagsasabi nito, 'Huwag ninyong hayaan na linlangin kayo ng inyong mga propeta at inyong mga manghuhula na nasa inyong kalagitnaan at huwag kayong makining sa mga panaginip na mayroon kayo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Jeremiah 14:14Sinabi sa akin ni Yahweh, “Panlilinlang sa aking pangalan ang pahayag ng mga propeta. Hindi ko sila isinugo, ni binigyan ng anumang utos o kinausap sila. Ngunit ang mapanlinlang nilang mga pangitain, ang walang kabuluhan at ang mga mapanlinlang na hula ay nagmumula sa kanilang mga sariling puso, ito ang mga ipinahahayag nila sa inyo.”
Jeremiah 23:21Hindi ko ipinadala ang mga propetang ito. Lumitaw lamang sila. Hindi ako nagpahayag ng anumang bagay sa kanila, ngunit patuloy silang nagpapahayag,
Jeremiah 23:27Binabalak nilang gawin na kalimutan ng aking mga tao ang aking pangalan ayon sa mga panaginip na kanilang ibinalita, bawat isa sa kaniyang kapwa, gaya lamang ng kanilang mga ninuno na kinalimutan ang aking pangalan alang-alang sa pangalan ni Baal.
Jeremiah 27:14Huwag kayong makinig sa mga salita ng inyong mga propeta na nagsasalita sa inyo at sinasabi, 'Huwag ninyong paglilingkuran ang hari ng Babilonia,' sapagkat mga kasinungalingan ang ipinapahayag nila sa inyo.
Jeremiah 28:15Sumunod na sinabi ni Jeremias na propeta kay Ananias na propeta, “Makinig ka Ananias! hindi ka sinugo ni Yahweh, ngunit ikaw mismo ang naging dahilan upang maniwala sa kasinungalingan ang mga taong ito.
Jeremiah 29:21Akong si Yahweh ng mga hukbo, Diyos ng Israel, ang nagsabi nito tungkol kay Ahab na anak ni Kolaias at kay Zedekias na anak ni Maasias, na nagpahayag ng kasinungalingan sa inyo sa aking pangalan: Tingnan ninyo, ibibigay ko sila sa kamay ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia. Papatayin niya sila sa inyong harapan.