Jeremias 3:10
At pagkatapos ng lahat ng ito, hindi bumalik sa akin nang buong puso ang taksil niyang kapatid na Juda, kundi isang kasinungalingan! Ito ang pahayag ni Yahweh.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
11At sinabi ni Yahweh sa akin, “Ang taksil na Israel ay mas matuwid kaysa sa taksil na Juda!
Cross References
2 Chronicles 34:33Tinanggal ni Josias ang lahat ng mga kasuklam-suklam na bagay mula sa mga lupain na pagmamay-ari ng mga Israelita. Pinasamba niya ang lahat ng mga Israelita kay Yahweh, na kanilang Diyos. Sa lahat ng kaniyang mga araw, hindi sila tumalikod sa pagsunod kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
Psalms 66:3Sabihin mo sa Diyos, “Nakakikilabot ang iyong mga gawa! Sa pamamagitan ng kadakilaan ng iyong kapangyarihan, magpapasakop sa iyo ang iyong mga kaaway.
Isaiah 10:6Ipapadala ko siya laban sa isang mayabang na bansa at laban sa mga taong pasan ang nag-uumapaw kong poot. Inutusan ko siyang samsamin ang mga kayamanan, para kunin ang biktima, at para apakan sila tulad ng mga putik sa mga lansangan.
Jeremiah 9:1Kung maaari lamang magpalabas ng tubig ang aking ulo at maging bukal ng luha ang aking mga mata! Sapagkat nais kong umiyak sa umaga at gabi para sa mga anak ng aking mga tao na pinatay.
Hosea 7:14Hindi sila tumawag sa akin ng buong puso, ngunit humagulgol sila sa kanilang mga higaan. Sinusugatan nila ang kanilang mga sarili upang magkaroon ng trigo at bagong alak at lumayo sila mula sa akin.