Jeremias 3:17
Sa oras na iyon ihahayag nila ang tungkol sa Jerusalem, 'Ito ang trono ni Yahweh at magtitipon ang lahat ng bansa sa Jerusalem sa ngalan ni Yahweh. Hindi na sila maglalakad sa katigasan ng kanilang mga masasamang puso.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 15:39Magiging isang natatanging paalala ito sa inyo, kapag makita ninyo ito, sa lahat ng aking mga utos, upang tuparin ang mga ito para hindi ninyo sundin ang inyong sariling puso at sariling mga mata, na kung saan kumilos kayo dati tulad ng mga mangangalunya.
Judges 2:19Pero kapag namatay ang hukom, tatalikod sila at gagawa ng mga bagay na higit na masahol kaysa sa ginawa ng kanilang mga ama. Susunod sila sa ibang mga diyus-diyosan para paglingkuran at sambahin sila. Tumanggi silang isuko ang anumang masasamang gawi nila o ang kanilang mga suwail na paraan.
Psalms 78:8Pagkatapos, hindi sila magiging katulad ng kanilang mga ninuno, na matigas ang ulo at rebeldeng salinlahi, salinlahi na hindi tama ang mga puso, at hindi mapagkakatiwalaan at hindi tapat sa Diyos.
Psalms 102:23Inalis niya ang aking kalakasan sa kalagitnaan ng aking buhay. Pinaikli niya ang aking mga araw.
Isaiah 6:1Sa taon ng kamatayan ni Haring Uzias, nakita ko ang Panginoon na nakaupo sa isang trono; siya ay mataas at nakaangat; at ang laylayan ng kaniyang kasuotan ay bumalot sa templo.
Isaiah 49:18Tingnan mo ang paligid mo at masdan, lahat sila ay nagtitipon at papunta sa iyo. Habang ako ay nabubuhay—ito ang pahayag ni Yahweh—tiyak na isusuot mo sila na parang mga alahas; isusuot mo sila, tulad ng babaing ikakasal.