Jeremias 3:23
Kasinungalingan lamang ang nagmumula sa mga burol, mula sa mga kabundukan. Tiyak na ang kaligtasan ng Israel ay na kay Yahweh lamang na ating Diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 37:39Ang kaligtasan ng matutuwid ay nagmumula kay Yahweh; sila ay kaniyang pinangangalagaan sa mga panahon ng kaguluhan.
Isaiah 10:20Sa araw na iyon, ang mga naiwan sa Israel, ang pamilya ni Jacob na nakatakas, ay hindi na patuloy aasa sa sumakop sa kanila, bagkus kay Yahweh na sila aasa, Ang Banal ng Israel.
Isaiah 43:11Ako, Ako ay si Yahweh, at wala nang ibang tagapagligtas maliban sa akin.
Isaiah 45:15Tunay nga na ikaw ay isang Diyos na kinukubli ang iyong sarili, Diyos ng Israel, na Tagapagligtas.
Isaiah 45:20Tipunin ang inyong mga sarili at lumapit! Magsama-sama kayong mga nakasumpong ng kanlungan mula sa mga bansa! Sila ay walang nalalaman, sila na nagdadala ng larawang inukit at nanalangin sa mga diyos na hindi nakapagliligtas.
Isaiah 63:1Sino itong dumarating mula sa Bozra, nasa Edom, na nakadamit na pula? Sino siyang naka maharlikang kasuotan, nagmamartsa nang may katiyakan dahil sa kanyang dakilang kalakasan? Ako ito na nagsasalita ng katuwiran at may makapangyarihang kakayanan magligtas.