Jeremias 3:24
Ngunit inubos ng kahiya-hiyang mga diyus-diyosan ang pinaghirapan ng ating mga ninuno, ang kanilang mga kawan at baka, ang kanilang mga anak na lalaki at babae!
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Jeremiah 9:18Madaliin sila at paawitin ng awiting panluksa sa atin, upang dumaloy ang luha sa ating mga mata at daluyan ng tubig ang talukap ng ating mga mata.
Ezekiel 16:19At ang aking mga tinapay na gawa sa mga pinong harina, langis at pulot-pukyutan na ibinigay ko sa iyo— mga ipinakain ko sa iyo! — inilagay mo sa harapan nila upang magdulot ng matamis na amoy. Tunay nga itong nangyari! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
Ezekiel 16:61Pagkatapos, maaalala mo ang iyong dating pamumuhay at mapapahiya kapag tinanggap mo ang iyong mga nakatatanda at nakababatang kapatid na babae. Ibibigay ko sila sa iyo bilang mga babaeng anak, ngunit hindi dahil sa iyong tipan.
Hosea 2:8Sapagkat hindi niya nalamang ako ang nagbigay sa kaniya ng butil, ng bagong alak at ng langis, at ang nagbigay sa kaniya ng labis-labis na pilak at ginto, na ginamit naman nila para kay Baal.
Hosea 10:6Dadalhin sila tungo sa Asiria bilang isang kaloob para sa dakilang hari. Malalagay sa kahihiyan ang Efraim, at mapapahiya ang Israel dahil sa pagsunod sa mga payo ng mga diyus-diyosan.