Jeremias 30:3
Sapagkat tingnan mo, parating na ang mga araw—Ito ang pahayag ni Yahweh—kapag pinanumbalik ko ang mga kayamanan ng aking mga tao, ang Israel at Juda. Akong si Yahweh ang nagsabi nito. Sapagkat ibabalik ko sila sa lupain na ibinigay ko sa kanilang mga ninuno at aariin nila ito.”'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
4Ito ang mga salita na ipinahayag ni Yahweh tungkol sa Israel at Juda,
Cross References
Deuteronomy 30:3kung gayon babaligtarin ni Yahweh na inyong Diyos ang inyong pagkakabihag at magkakaroon ng habag sa inyo, babalik siya at titipunin kayo mula sa lahat ng mga tao kung saan si Yahweh ang inyong Diyos ay ikinalat kayo.
Ezra 3:8At sa ikalawang buwan ng ikalawang taon matapos na magpunta sila sa tahanan ng Diyos sa Jerusalem, si Zerubabel, si Josue na lalaking anak ni Jozadak, ang iba pang mga pari, ang mga Levita, at ang mga nanggaling sa pagkakabihag pabalik sa Jerusalem ay nagsimula sa paggawa. Itinalaga nila ang mga Levitang dalawampung taong gulang pataas upang pangasiwaan ang gawain sa tahanan ni Yahweh.
Psalms 53:6O, ang kaligtasan ng Israel ay darating mula sa Sion! Kapag ibinalik na ng Diyos ang kaniyang bayan mula sa pagkakabihag, magdiriwang si Jacob at ang Israel ay magagalak!
Jeremiah 16:15Sapagkat buhay si Yahweh, ang nagdala sa mga tao ng Israel sa hilagang lupain at sa mga lupain na kung saan ikinalat niya sila, ibabalik ko sila sa lupain na ibinigay ko sa kanilang mga ninuno.
Jeremiah 23:7Samakatuwid tingnan, paparating ang mga araw—ito ang pahayag ni Yahweh—kapag hindi na nila sasabihing,' Sapagkat buhay si Yahweh, na naglabas sa mga tao ng Israel mula sa lupain ng Egipto.'
Jeremiah 27:22'Dadalhin ang mga ito sa Babilonia at mananatili doon hanggang sa dumating ang araw na aking itinakda para sa mga ito at dadalhin ko ang mga ito at ibabalik sa lugar na ito.'” Ito ang pahayag ni Yahweh.