Jeremias 31:13
At sasayaw nang may galak ang mga birhen at mga binata at mga matatandang kalalakihan. Sapagkat papalitan ko ang kanilang pagdadalamhati ng pagdiriwang. Kahahabagan ko sila at magagalak sa halip na nagluluksa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Nehemiah 12:27Sa pagtatalaga ng pader ng Jerusalem, hinanap ng mga tao ang mga Levita saanman sila nanirahan, para dalhin sila sa Jerusalem para magdiwang ng pagtatalaga ng may kagalakan, may pasasalamat at umaawit na may mga pompiyang, alpa, at may mga lira.
Esther 9:22Ito ang mga araw na nakakuha ng kaginhawaan ang mga Judio mula sa kanilang mga kaaway, at ang panahon kung kailan ang kanilang pighati ay napalitan ng kagalakan, at mula sa pagluluksa naging isang araw ng pangilin. Gagawin nila ang mga iyon na araw ng kapistahan at pagsasaya, at ng pagpapadala ng mga regalong pagkain sa isa't-isa at mga regalo para sa mahirap.
Psalms 126:5Silang mga naghahasik ng mga luha ay mag-aani ng sigaw para sa kagalakan.
Psalms 149:3Purihin nila ang kaniyang pangalan na may sayawan; umawit sila ng papuri sa kaniya nang may tamburin at alpa.
Isaiah 35:10Ang tinubos ni Yahweh ay babalik at darating na may pag-aawitan sa Sion, at magkakaroon ng walang hanggang kagalakan sa kanilang mga ulo; kasiyahan at kagalakan ang pupuno sa kanila; kalungkutan at pagbuntong-hininga ay mawawala.
Isaiah 51:11Babalik ang mga tinubos ni Yahweh at pupunta sa Sion nang may mga sigaw ng kagalakan at may kaligayahan magpakailanman sa kanilang mga ulo; at kaligayahan at kagalakan ang mananaig sa kanila, at lalayo ang kalungkutan at pagluluksa.