The Bible Software
bible.software › Jeremias › Jeremias 31 › Jeremias 31:32

Jeremias 31:32

Hindi na ito kagaya ng kasunduan na itinatag ko sa kanilang mga ama sa mga panahong kinuha ko sila sa kanilang mga kamay upang ilabas mula sa lupain ng Egipto. Iyon ang mga araw na nilabag nila ang aking kasunduan, bagaman, ako ay isang asawang lalaki para sa kanila. Ito ang pahayag ni Yahweh.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

Not according to the covenant that I made with their fathers in the day that I took them by the hand to bring them out of the land of Egypt; which my covenant they brake, although I was an husband unto them, saith the LORD:

In Context

31Tingnan mo, paparating na ang mga araw. Ito ang pahayag ni Yahweh. Kapag magtatatag ako ng isang bagong kasunduan sa sambahayan ng Israel at sa sambahayan ng Juda.

33Ngunit ito ang kasunduan na aking itatatag sa sambahayan ng Israel pagkatapos ng mga araw na ito. Ito ang pahayag ni Yahweh. Ilalagay ko ang aking kautusan sa kanilang kalooban at isusulat ito sa kanilang puso, sapagkat ako ang kanilang magiging Diyos at sila ay magiging aking mga tao.

Read all of Jeremias 31

Cross References

Exodus 24:6Kinuha ni Moises ang kalahati ng dugo at nilagay sa loob ng mga palanggana, iniwisik ang natirang kalahati sa ibabaw ng altar.

Exodus 32:8Mabilis silang umalis sa daan na aking inutos sa kanila. Nagmolde sila para sa kanilang sarili ng isang guya at sumamba dito at naghandog dito. Sinabi nila, 'Israel, “Ito ang inyong diyos na nagdala palabas sa lupain ng Egipto.”

Deuteronomy 1:31at gayundin sa ilang, kung saan nakita ninyo kung paano kayo dinala ni Yahweh na inyong Diyos, na gaya ng isang lalaking na daladala ang kaniyang anak, kahit saan kayo pumunta hanggang sa dumating kayo sa lugar na ito.'

Deuteronomy 29:1Ito ang mga salita na inutos ni Yahweh kay Moises na sabihin sa mga tao ng Israel sa lupain ng Moab, mga salita na idinagdag sa tipan na kaniyang ginawa sa kanila sa Horeb.

Deuteronomy 29:24sasabihin nilang lahat kasama ng lahat ng ibang mga bansa, 'Bakit ito ginawa ni Yahweh sa lupaing ito? Ano ang kahulugan ng init ng labis na galit na ito?'

Deuteronomy 31:20Kapag dinala ko sila dito sa loob ng lupain na aking ipinangako upang ibigay sa kanilang mga ninuno, ang lupaing umaapaw sa gatas at pulot, at nang sila ay nakakain at nabusog at tumaba, pagkatapos babaling sila sa ibang mga diyos at sasamba sa kanila; kamumuhian nila ako at sisirain ang kasunduan.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Jeremias 31:32

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Jeremias 31:31Jeremias 31Jeremias 31:33 →