Jeremias 32:12
Ibinigay ko ang selyadong kasulatang nakabalumbon kay Baruc na lalaking anak ni Nerias na anak naman ni Maaseias sa harapan ni Hanamel, ang lalaking anak ng aking tiyuhin, at ng mga saksing nakasulat sa selyadong kasulatang binalumbon, at sa harapan ng lahat ng taga-Juda na nakaupo sa patyo ng bantay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
13Kaya nagbigay ako ng isang utos kay Baruc sa harap nila. Sinabi ko,
Cross References
Jeremiah 36:4At ipinatawag ni Jeremias si Baruc na anak ni Nerias at isinulat ni Baruc sa isang kasulatang balumbon, sa pagsasalaysay ni Jeremias, ang lahat ng mga salita ni Yahweh na sinabi sa kaniya.
Jeremiah 36:26At inutusan ng hari si Jerameel, isang kamag-anak, si Seraias na anak ni Azriel at Selenias na anak ni Abdeel upang hulihin si Baruc na eskriba at ang propetang si Jeremias, ngunit itinago sila ni Yahweh.
Jeremiah 43:3Sapagkat inuudyukan ka ni Baruc na anak ni Nerias laban sa amin upang ibigay kami sa kamay ng mga Caldeo, upang maipapatay mo kami at upang maging mga bihag kami sa Babilonia.”
Jeremiah 51:59Ito ang salitang ipinahayag ni Jeremias na propeta kay Seraias na lalaking anak ni Neraias na lalaking anak ni Macsaias noong magkasama silang pumunta ni Zedekias na hari ng Juda sa Babilonia sa ikaapat na taon ng kaniyang pamumuno. Ngayon, si Seraias ay isang punong opisyal.