Jeremias 32:20
Gumawa ka ng mga tanda at mga kababalaghan sa lupain ng Egipto. Maging sa kasalukuyang panahon dito sa Israel at sa lahat ng sangkatauhan, ginawa mong tanyag ang iyong pangalan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 7:3Pero patitigasin ko ang puso ni Paraon, at magpapakita ako ng maraming palatandaan ng aking kapangyarihan, maraming kamangha-mangha, sa lupain ng Ehipto.
Exodus 10:2Ginawa ko rin ito para maikuwento mo sa iyong mga anak at mga apo ang mga bagay na ginawa ko, kung paano ko pinagmalupitan ang Ehipto, at kung paano ko binigay ang iba't-ibang mga palatandaan ng aking kapangyarihan sa kanila. Sa ganitong paraan malalaman mo na ako si Yahweh.”
Deuteronomy 6:22at nagpakita siya ng mga tanda at kamangha-manghang bagay, dakila at malubha, sa Ehipto, kay Paraon, at sa kaniyang buong sambahayan, sa harap ng ating mga mata;
Deuteronomy 11:3ang mga tanda at mga gawa na ginawa niya sa gitna ng Ehipto, kay Paraon, hari ng Ehipto, at sa lahat ng lupain niya.
1 Chronicles 17:21At anong bansa sa mundo ang tulad ng iyong bayang Israel na iniligtas mo O Diyos mula sa Egipto bilang mga tao para sa iyo, upang gumawa ng pangalan para sa iyo sa pamamagitan ng mga dakila at mga nakamamanghang gawa? Pinalayas mo ang mga bansa sa harap ng iyong mga tao, na iniligtas mo mula sa Egipto.
Nehemiah 9:11At hinati mo ang dagat sa kanilang harapan, kaya dumaan sila sa tuyong lupa sa gitna ng dagat; at tinapon ang mga humabol sa kanila papunta sa mga kailaliman, gaya ng isang bato sa malalim na katubigan.