Jeremias 32:29
Darating ang mga Caldeo na nakikipaglaban sa lungsod na ito at susunugin ang lungsod na ito, kasama ang mga bahay kung saan ang mga bubungan ay pinagsambahan ng mga tao kay Baal at pinagbuhusan ng mga inuming handog sa ibang diyos upang galitin ako.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 36:19Sinunog nila ang tahanan ng Diyos, giniba nila ang pader ng Jerusalem, sinunog ang lahat ng mga palasyo nito, at winasak ang mga magagandang bagay sa loob nito.
Isaiah 64:10Ang iyong mga banal na lungsod at ang Sion ay naging isang ilang, ang Jerusalam isang kalungkutan.
Jeremiah 7:18Nagtitipon ng kahoy ang mga bata at sinisindihan ito ng kanilang mga ama! Nagmamasa ng harina ang mga kababaihan upang gumawa ng mga tinapay para sa reyna ng kalangitan at nagbubuhos ng mga inuming handog para sa ibang mga diyos upang galitin ako.
Jeremiah 19:13kaya magiging katulad ng Tofet ang mga bahay ng Jerusalem at ng mga hari ng Juda—lahat ng mga tahanan na ang bubungan ay pinagsasambahan ng mga hindi malinis na tao sa lahat ng mga bituin sa langit at nagbubuhos ng inuming mga alay sa ibang mga diyos.'”
Jeremiah 27:8Kaya ang bansa at kahariang hindi maglilingkod kay Nebucadnezar, na hari ng Babilonia at hindi maglalagay ng kaniyang leeg sa pamatok ng hari ng Babilonia, parurusahan ko ang bansang iyon sa pamamagitan ng espada, taggutom at salot hanggang sa mawasak ko sila sa pamamagitan ng kaniyang kamay. Ito ang pahayag ni Yahweh.
Jeremiah 37:7“Ito ang sinasabi ni Yahweh na Diyos ng Israel: Ito ang sasabihin mo sa hari ng Juda, sapagkat ipinadala ka niya upang humingi ng payo mula sa akin, 'Tingnan ninyo, ang hukbo ng Faraon na dumating upang tulungan kayo ay pabalik na sa Egipto sa kanilang sariling lupain.