Jeremias 32:31
sapagkat ang lungsod na ito ang nagpaalab ng aking poot at matinding galit mula noong araw na itinayo nila ito. Ganito pa rin hanggang sa kasalukuyan. Kaya aalisin ko ito mula sa aking harapan
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 21:4Nagtayo si Manasses ng paganong mga altar sa tahanan ni Yahweh, bagaman inutos ni Yahweh, “Sa Jerusalem mananatili ang aking pangalan magpakailanman.”
2 Kings 22:16“Ito ang kung ano ang sinasabi ni Yahweh: “Masdan mo, malapit na akong magdala ng sakuna sa lugar na ito at sa mga naninirahan dito, lahat ng mga salita ng aklat na nabasa ng hari ng Juda.
2 Kings 23:27Kaya sinabi ni Yahweh, “Aalisin ko rin ang Juda mula sa aking paningin, tulad ng pag-aalis ko sa Israel, at itatapon ko ang lungsod na ito na aking pinili, Jerusalem, ang tahanan na sinabi kong, 'Malalagay doon ang aking pangalan.'”
Jeremiah 5:9Kaya hindi ko ba sila dapat parusahan at hindi ko ba dapat ipaghiganti ang aking sarili sa bansang gaya nito? Ito ang pahayag ni Yahweh.
Jeremiah 23:14At maging sa mga propeta sa Jerusalem ay nakita ko ang mga kakila-kilabot na mga bagay: Nangalunya at lumalakad sila sa kasinungalingan. Pinapalakas nila ang mga kamay ng mga gumagawa ng masama: walang isa man ang tumalikod mula sa kaniyang ginagawang kasamaan. Lahat sila ay naging tulad ng Sodoma sa akin at ang mga naninirahan dito ay tulad ng Gomorra!”
Jeremiah 27:10Sapagkat nagpapahayag sila ng panlilinlang sa inyo upang sa gayon maipatapon kayo sa malayo mula sa inyong mga lupain, sapagkat ipatatapon ko kayo at kayo ay mamamatay.