Jeremias 32:35
Pagkatapos, nagtayo sila ng dambana para kay Baal sa lambak ng Ben Hinom upang ialay ang kanilang mga anak na lalaki at babae kay Molec, isang bagay na hindi ko iniutos na gawin nila, isang bagay na hindi kailanman sumagi sa aking puso't isipan. Itong kasuklam-suklam na bagay para gawin nila upang magkasala ang Juda.'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 32:21Pagkatapos sinabi ni Moises kay Aaron, “Ano ang ginawa ng mga taong ito sa iyo, na dinala mo ang ganyang dakilang kasalanan sa kanila?”
Leviticus 20:2“Sabihin sa bayan ng Israel, 'Sinuman sa mga mamamayan ng Israel, o sinumang dayuhan na namumuhay sa Israel na magbigay ng sinuman sa kanyang mga anak kay Molec, ay tiyak na papatayin. Dapat siyang batuhin ng mga tao sa lupain gamit ang mga bato.
Deuteronomy 24:4pagkatapos ang kaniyang dating asawa na unang nagpalayas sa kaniya, maaaring hindi niya ito tanggapin na kaniyang asawa, matapos na siya'y maging marumi, dahil iyon ay hindi kalugod-lugod sa harapan ni Yahweh. Hindi ka dapat na magdulot sa lupain na maging makasalanan, ang lupain na ibibigay ni Yahweh na inyong Diyos bilang isang pamana.
1 Kings 11:33dahil iniwanan nila ako at sinamba nila si Astarte, ang babaeng diyus-diyosan ng mga Sidonita, kay Cemos ang diyos ng mga Moabita, at kay Milcom ang diyos ng mga mamamayan ng mga Ammonita. Hindi sila lumakad ayon sa aking kaparaanan, para gawin ang mabuti sa aking paningin, at para sundin ang aking mga utos at mga tuntunin gaya ng ginawa ng kaniyang ama na si David.
1 Kings 15:26Ginawa niya ang masama sa paningin ni Yahweh at sumunod sa yapak ng kaniyang ama, at sa kaniyang sariling kasalanan, na humikayat sa buong Israel para magkasala.
1 Kings 16:19Ito ay para sa mga kasalanan na kaniyang ginawa sa paningin ni Yahweh, sa paglakad sa yapak ni Jeroboam at sa kasalanang kaniyang mga nagawa, at sa paghimok niya na magkasala ang Israel.