Jeremias 32:4
Hindi makatatakas si Zedekias na hari ng Juda sa kamay ng mga Caldeo, sapagkat tunay ngang ipinasakamay siya sa hari ng Babilonia. Ang bibig niya ay makikipag-usap sa bibig ng hari, at makikita ng kaniyang mga mata ang mga mata ng hari.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Jeremiah 21:7Pagkatapos nito— ito ang pahayag ni Yahweh—si Zedekias na hari ng Juda, ang kaniyang mga lingkod, ang mga tao, at ang sinumang natira sa lungsod na ito pagkatapos ng salot, ang espada at ang kagutuman—ipapasakamay ko silang lahat kay Nebucadnezar na hari ng Babilonia, na kanilang mga kaaway at sa mga naghahangad ng kanilang buhay. At papatayin niya sila gamit ang talim ng espada. Hindi niya sila kaaawaan, ililigtas, o kahahabagan.'
Jeremiah 37:17At nagpadala si Haring Zedekias ng isang tao na nagdala sa kaniya sa palasyo. Sa kaniyang tahanan, tinanong siya ng hari ng sarilinan, “Mayroon bang ibang salita mula kay Yahweh?” Sumagot si Jeremias, “Mayroon pang isang salita: Ibibigay kayo sa kamay ng hari ng Babilonia.”
Jeremiah 38:23Sapagkat ang lahat ng iyong mga asawa at mga anak ay dadalhin patungo sa mga Caldeo, at ikaw mismo ay hindi makakatakas mula sa kanilang mga kamay. Mabibihag ka sa pamamagitan ng kamay ng hari ng Babilonia, at masusunog ang lungsod na ito.”
Jeremiah 39:7At tinanggal niya ang mga mata ni Zedekias at iginapos sa kadenang tanso upang dalhin siya sa Babilonia.
Ezekiel 12:12Papasanin ng kasama nilang prinsipe sa kaniyang mga balikat ang kaniyang mga gamit sa kadiliman at lalabas sa pamamagitan ng pader. Maghuhukay sila sa pader at ilalabas ang kanilang mga gamit. Tatakpan niya ang kaniyang mukha upang hindi niya makita ang lupain gamit ang kaniyang mga mata.'
Ezekiel 17:15Ngunit ang hari ng Jerusalem ay naghimagsik laban sa kaniya sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga kinatawan sa Egipto upang kumuha ng mga kabayo at ng hukbo. Siya ba ay magtatagumpay? Makatatakas ba ang taong gumagawa ng mga bagay na ito? Kung lalabagin niya ang kasunduan, makatatakas ba siya?