Jeremias 32:40
At magtatatag ako ng isang panghabang panahon na kasunduan sa kanila kaya hindi ko na sila tatalikuran. Gagawin ko ito upang magdala ng kabutihan sa kanila at maglagay sa kanilang mga puso ng parangal para sa akin. Kaya hindi na sila tatalikod sa pagsunod sa akin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 17:7Magtatatag ako ng tipan sa pagitan natin at sa iyong mga magiging kaapu-apuhan, hanggang sa kanilang buong salinlahi, para sa isang walang hanggang tipan, na ako ang magiging Diyos mo at ng mga susunod mong mga kaapu-apuhan.
Psalms 80:19Ibalik mo kami, Yahweh, Diyos ng mga hukbo; magliwanag ka sa amin, at kami ay maliligtas.
Isaiah 55:3Ikiling ang inyong mga tainga at lumapit sa akin! Makinig, upang kayo ay mabuhay! Tiyak na gagawa ako ng walang hanggang tipan sa inyo, ang mga gawa ng katapatan sa tipan na ibinigay kay David.
Jeremiah 24:7At bibigyan ko sila ng isang puso upang kilalanin ako, sapagkat ako si Yahweh. Sila ay magiging aking mga tao at ako ay magiging kanilang Diyos, kaya babalik sila sa akin nang buong puso.
Jeremiah 50:5Tatanungin nila ang daan papuntang Zion at tutungo sila roon. Pupunta sila at makikipag-isa kay Yahweh para sa isang tipan na hindi masisira kailanman.
Ezekiel 36:27Ilalagay ko ang aking Espiritu sa inyo at palalakarin ko kayo sa aking mga kautusan at inyong iingatan ang aking mga utos, upang magawa ninyo ang mga ito.