Jeremias 32:42
Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Tulad ng pagdala ko sa lahat ng matitinding sakunang ito sa mga taong ito, gayon din, dadalhin ko sa kanila ang lahat ng mabubuting bagay na sinabi kong gagawin ko para sa kanila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 23:14At ngayon lalakad ako sa daan sa buong lupa, at malalaman ninyo ng buong puso at kaluluwa na walang isang salitang hindi nagkatotoo sa lahat ng mga mabubuting bagay na ipinangako ni Yahweh na inyong Diyos tungkol sa inyo. Lahat ng mga bagay na ito ay nangyari para sa inyo. Walang isa sa kanila ang nabigo.
Jeremiah 31:28Sa nakalipas, pinasubaybayan ko sila upang bunutin sila at upang sirain, pabagsakin, wasakin at magdala ng pinsala sa kanila. Ngunit sa darating na mga araw, babantayan ko sila upang itayo sila at upang itanim sila. Ito ang pahayag ni Yahweh.
Jeremiah 33:14Tingnan mo! Dumarating ang mga araw, ito ang pahayag ni Yahweh, na gagawin ko ang aking ipinangako sa sambahayan ng Israel at sa sambahayan ng Juda.
Matthew 24:35Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang mga salita ko ay hindi kailanman lilipas.