Jeremias 33:12
Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, 'Sa napabayaang lugar na ito, na ngayon ay mayroon nang tao at hayop, magkakaroon muli ng pastulan sa lahat ng lungsod nito para sa mga pastol na umaakay sa kanilang mga kawan upang mamahinga.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Jeremiah 17:26Darating sila mula sa mga lungsod ng Juda at sa lahat ng nasa palibot ng Jerusalem, at mula sa lupain ng Benjamin at mula sa mababang lupain, mula sa mga bundok at mula sa Negev, magdadala ng mga susunuging handog, mga alay, at mga pagkaing handog at kamanyang. At magdadala sila ng mga handog pasasalamat sa aking tahanan.
Jeremiah 32:43At bibilhin ang mga bukirin sa lupaing ito, na inyong sinasabi, “Ito ay nawasak na lupain, na walang tao o hayop. Naipasakamay na ito sa mga Caldeo.”
Jeremiah 50:19Ibabalik ko ang Israel sa kaniyang sariling bayan; manginginain siya sa Carmel at sa Basan. At masisiyahan siya sa burol ng bansang Efraim at Gilead.
Ezekiel 34:12tulad ng isang pastol na hinahanap ang kaniyang kawan sa araw na siya ay nasa kalagitnaan ng kaniyang nangagkalat na kawan. Ganoon ko hahanapin ang aking kawan, at sasagipin ko sila mula sa lahat ng mga lugar kung saan sila nangagkalat sa araw ng mga kaulapan at kadiliman.
Ezekiel 36:8Ngunit kayo, mga kabundukan ng Israel, magpapalago kayo mga sanga at mamumunga para sa aking mga taong Israelita, yamang malapit na silang bumalik sa iyo.
Obadiah 1:19At aariin ng mula sa Negeb ang bundok ni Esau, at aariin ang mga nasa Shepelah ang lupain ng mga Filisteo; at aariin nila ang lupain ng Efraim, at ang lupain ng Samaria; at aariin ng Benjamin ang Gilead.