Jeremias 33:4
Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel tungkol sa mga tahanan sa lungsod na ito at sa mga tahanan ng mga hari ng Juda na nagiba dahil sa mga bunton ng paglusob at sa espada,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 20:20Ang mga puno lamang na alam ninyong punong hindi makakain, ang maaari ninyong wasakin at putulin; magtatayo kayo ng mga kuta laban sa lungsod na nakikipag digma sa inyo, hanggang ito ay bumagsak.
Jeremiah 32:24Tingnan mo! Ang mga bunton ng paglusob ay nakaabot sa lungsod upang sakupin ito. Sapagkat dahil sa espada, taggutom at salot, ang lungsod ay naipasakamay sa mga Caldeo na siyang na nakikipaglaban dito. Sapagkat nangyayari na ang sinabi mong mangyayari, at tingnan mo, pinanonood mo.
Ezekiel 21:22Sa kaniyang kanang kamay ay mayroong isang hula tungkol sa Jerusalem, para maihanda niya ang isang malaking trosong panggiba laban dito! Para ibuka niya ang kaniyang bibig upang iutos ang pagsisimula ng pagpatay! Para isigaw niya ang isang labanan! Para ihanda nya ang mga malaking trosong panggiba sa tarangkahan! Para ibuhos niya ang tambak na lupa upang itayo sa kinubkob na mga pader!
Habakkuk 1:10Kaya kinukutya nila ang mga hari, at ang mga namumuno ay kakutyaan lang sa kanila! Tinatawanan nila ang bawat kutang tanggulan, dahil nagbubunton sila ng lupa at kinukuha ang mga ito!