Jeremias 35:1
Ito ang salitang dumating kay Jeremias mula kay Yahweh sa mga panahon ni Jehoiakim na anak ni Josias na hari ng Juda, at sinabi niya,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 24:1Sa panahon ng paghahari ni Jehoiakim, nilusob ni Nebucadnezar hari ng Babilonia ang Juda; naging lingkod niya si Jehoiakim sa loob ng tatlong taon. Pagkatapos nagtaksil si Jehoiakim at naghimagsik laban kay Nebucadnezar.
Jeremiah 1:3Muli itong dumating sa mga araw ni Jehoiakim na anak ni Josias na hari ng Juda hanggang sa ikalimang buwan ng ikalabing isang taon ng paghahari ni Zedekias na anak ni Josias na hari ng Juda, nang binihag ang mga taga-Jerusalem bilang mga bilanggo.
Jeremiah 25:1Ito ang salitang dumating kay Jeremias tungkol sa lahat ng mga tao ng Juda. Dumating ito sa ikaapat na taon ni Jehoaikim na anak ni Josias, hari ng Juda. Iyon ang unang taon ni Nebucadnezar, na hari ng Babilonia.
Jeremiah 36:1Nangyari ito sa ika-apat na taon ni Jehoiakim na anak ni Josias na hari ng Juda, na dumating ang salitang ito kay Jeremias mula kay Yahweh, at sinabi niya,
Jeremiah 36:29At kailangan mo itong sabihin kay Jehoiakim na hari ng Juda: 'Sinunog mo ang kasulatang balumbon na iyon! At sinabi mo: Bakit mo isinulat iyon, “Tiyak na darating ang hari ng Babilonia at wawasakin ang lupaing ito, sapagkat wawasakin niya ang tao at mga hayop dito"?”'
Daniel 1:1Sa ikatlong taon ng paghahari ni Jehoiakim na hari ng Juda, dumating si Nebucadnezar na hari ng Babilonia sa Jerusalem at kinubkob ang lungsod upang putulin ang lahat ng mga tulong para rito.