bible.software › Jeremias › Jeremias 35 › Jeremias 35:18
Jeremias 35:18
Sinabi ni Jeremias sa sambahayan ng mga Recabita, “Sinasabi ito ni Yahweh ng mga hukbo, na Diyos ng Israel: Pinakinggan ninyo ang mga utos ni Jonadab na inyong ninuno at ginawa ang lahat ng mga ito—sinunod ninyo ang lahat ng kaniyang iniutos na gawin ninyo—
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And Jeremiah said unto the house of the Rechabites, Thus saith the LORD of hosts, the God of Israel; Because ye have obeyed the commandment of Jonadab your father, and kept all his precepts, and done according unto all that he hath commanded you:
In Context
17Kaya sinasabi ni Yahweh, na Diyos ng mga hukbo at Diyos ng Israel, 'Tingnan ninyo, ang lahat ng mga sakunang aking ipinahayag laban sa kanila—dadalhin ko ang mga sakunang ito sa Juda at sa lahat ng naninirahan sa Jerusalem, dahil nagbabala ako sa kanila, ngunit hindi sila nakinig. Tinawag ko sila, ngunit hindi sila sumagot.”'
19kaya sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, 'Laging magkakaroon ng taong nagmula kay Jonadab na anak ni Recab na maglilingkod sa akin.”'
Read all of Jeremias 35
Cross References
Deuteronomy 4:40Susundin ninyo ang kaniyang mga batas at ang kaniyang mga kautusan na aking iniutos sa araw na ito, para makabuti sa inyo at sa inyong mga anak kasunod ninyo, at nang mapahaba ninyo ang inyong mga araw sa lupain na ibibigay ni Yahweh magpakailanman.”
Ephesians 6:1Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon, sapagkat ito ang tama.
This Verse In Other Editions
Study Jeremias 35:18