Jeremias 36:10
Nang magkagayo'y binasa ni Baruch sa balumbon ang mga salita ni Jeremias sa bahay ng Panginoon, sa silid ni Gemarias na anak ni Saphan na kalihim, sa mataas na looban sa pasukan ng bagong pintuang-daan ng bahay ng Panginoon, sa mga pakinig ng buong bayan.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Samuel 20:25At si Seba ay kalihim: at si Sadoc at si Abiathar ay mga saserdote:
2 Kings 18:37Nang magkagayo'y naparoon si Eliacim na anak ni Hilcias, na siyang katiwala sa sangbahayan, at si Sebna na kalihim, at si Joah na anak ni Asaph na kasangguni, kay Ezechias na ang kanilang suot ay hapak, at isinaysay sa kaniya ang mga salita ni Rabsaces.
Jeremiah 26:10At nang mabalitaan ng mga prinsipe sa Juda ang mga bagay na ito, sila'y nagsisampa sa bahay ng Panginoon na mula sa bahay ng hari; at sila'y nangaupo sa pasukan ng bagong pintuang-daan ng bahay ng Panginoon.
Jeremiah 29:3Sa pamamagitan ng kamay ni Elasa na anak ni Saphan, at ni Gemarias na anak ni Hilcias, (na siyang sinugo sa Babilonia ni Sedechias na hari sa Juda kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia,) na nagsasabi,
Jeremiah 36:6Kaya't pumaroon ka, at basahin mo sa balumbon, ang iyong isinulat na mula sa aking bibig, ang mga salita ng Panginoon sa mga pakinig ng bayan sa bahay ng Panginoon sa kaarawan ng pagaayuno; at iyo ring babasahin sa mga pakinig ng buong Juda na lumabas sa kanilang mga bayan.
Jeremiah 36:11At nang marinig ni Micheas na anak ni Gemarias, na anak ni Saphan, ang lahat na salita ng Panginoon mula sa aklat,