Jeremias 36:3
Marahil, pakikinggan ng mga tao ng Juda ang lahat ng mga sakuna na nais kong dalhin sa kanila. Marahil, tatalikod ang bawat isa mula sa kaniyang masamang landas, kaya patatawarin ko ang kanilang kasamaan at kanilang kasalanan.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 30:2at kapag bumalik kayo kay Yahweh na inyong Diyos at sumunod sa kaniyang boses, susundin ang lahat ng mga sinasabi ko sa inyo sa araw na ito— kayo at inyong mga anak— ng inyong buong puso at inyong buong kaluluwa,
1 Samuel 7:3Sinabi ni Samuel sa lahat ng tao ng Israel, “Kung babalik kayo kay Yahweh nang inyong buong puso, alisin ninyo ang mga dayuhang diyos at ang Astarot mula sa inyo, ibaling ang inyong mga puso kay Yahweh, at siya lamang ang sambahin, sa gayon ililigtas niya kayo mula sa kamay ng mga Filisteo.”
2 Chronicles 6:38Ipagpalagay na sila ay magbabalik-loob sa iyo nang buong puso nila at buong kaluluwa nila sa lupain kung saan sila binihag, kung saan sila dinala bilang mga bihag, at ipagpalagay na mananalangin sila tungo sa kanilang lupain, na ibinigay mo sa kanilang mga ninuno, at tungo sa lungsod na iyong pinili, at tungo sa tahanan na aking itinayo para sa iyong pangalan.
Isaiah 6:10Patigasin mo ang puso ng mga taong ito, gawin mong bingi ang kanilang mga tainga, at bulagin mo ang kanilang mga mata para hindi sila makakita o hindi sila makarinig at hindi makaunawa ang kanilang mga puso, at manumbalik sila sa akin at sila ay gagaling.”
Jeremiah 18:8Ngunit, kung ang bansa na aking pinahayagan ay tatalikod sa kasamaan nito, kung gayon mahahabag ako mula sa sakuna na binabalak kong dalhin dito.
Jeremiah 23:14At maging sa mga propeta sa Jerusalem ay nakita ko ang mga kakila-kilabot na mga bagay: Nangalunya at lumalakad sila sa kasinungalingan. Pinapalakas nila ang mga kamay ng mga gumagawa ng masama: walang isa man ang tumalikod mula sa kaniyang ginagawang kasamaan. Lahat sila ay naging tulad ng Sodoma sa akin at ang mga naninirahan dito ay tulad ng Gomorra!”