Jeremias 36:32
Kaya kumuha pa ng ibang balumbon si Jeremias at ibinigay ito kay Baruc na anak ng eskribang si Nerias. Isinulat iyon ni Baruc sa pagsasalaysay ni Jeremias sa lahat ng mga salitang nasa kasulatang balumbon na sinunog ni Jehoiakim na hari ng Juda. At saka, maraming ibang magkatulad na mga salita ang idinagdag sa balumbon na ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 34:1Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Pumutol ka ng dalawang tipak ng bato katulad ng mga naunang tipak. Isusulat ko sa mga tipak na ito ang mga salita na nasa mga naunang tipak, ang tipak na iyong binasag.
Leviticus 26:21Kung maglalakad kayo laban sa akin at hindi makikinig sa akin, magdadala ako sa inyo ng pitong beses pang palo na katumbas ng inyong mga kasalanan.
Leviticus 26:28ay lalakad ako laban sa inyo sa galit at paparusahan ko kayo ng kahit pitong beses pang ulit na katumbas ng inyong mga kasalanan.
Jeremiah 36:18Sinabi ni Baruc sa kanila, “Isinalaysay niya sa akin ang lahat ng mga salitang ito at isinulat ko ang mga ito sa tinta sa balumbon na ito.”
Daniel 3:19Pagkatapos, napuno ng poot si Nebucadnezar, nagbago ang kaniyang mukha laban kay Shadrac, Meshac at Abednego. Iniutos niya na painitin ang pugon ng pitong beses na mas mainit kaysa sa karaniwang init nito.
Revelation 22:18Pinatototohanan ko sa bawat isang nakikinig sa mga salita ng propesiya ng aklat na ito: Kung sinumang magdagdag sa mga ito, ang Diyos ang magdadagdag sa kaniya ng mga salot na tulad ng nakasaad sa aklat na ito.