Jeremias 36:4
At ipinatawag ni Jeremias si Baruc na anak ni Nerias at isinulat ni Baruc sa isang kasulatang balumbon, sa pagsasalaysay ni Jeremias, ang lahat ng mga salita ni Yahweh na sinabi sa kaniya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 30:8Ngayon humayo kayo, isulat ninyo sa kasama sila sa isang bato, at itala ito sa isang balumbon, para mapanatili ito para sa darating na panahon bilang isang katibayan.
Jeremiah 32:12Ibinigay ko ang selyadong kasulatang nakabalumbon kay Baruc na lalaking anak ni Nerias na anak naman ni Maaseias sa harapan ni Hanamel, ang lalaking anak ng aking tiyuhin, at ng mga saksing nakasulat sa selyadong kasulatang binalumbon, at sa harapan ng lahat ng taga-Juda na nakaupo sa patyo ng bantay.
Jeremiah 36:18Sinabi ni Baruc sa kanila, “Isinalaysay niya sa akin ang lahat ng mga salitang ito at isinulat ko ang mga ito sa tinta sa balumbon na ito.”
Jeremiah 36:23Nangyari ito nang mabasa ni Jehudi ang tatlo o apat na mga hanay, nais itong tanggalin nang hari gamit ang isang kutsilyo at itapon ito sa apuyan hanggang masira ang lahat ng kasulatang balumbon.
Jeremiah 36:28“Bumalik ka, kumuha ka ng ibang balumbon para sa iyong sarili at isulat doon ang lahat ng mga salitang naroon sa naunang kasulatang balumbon, na sinunog ni Jehoiakim na hari ng Juda.
Jeremiah 43:3Sapagkat inuudyukan ka ni Baruc na anak ni Nerias laban sa amin upang ibigay kami sa kamay ng mga Caldeo, upang maipapatay mo kami at upang maging mga bihag kami sa Babilonia.”