Jeremias 37:1
Ngayon, si Zedekias na anak ni Josias ang namuno bilang hari sa halip na si Jehoiakin na anak ni Jehoiakim. Ginawang hari ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia si Zedekias sa buong lupain ng Juda.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 24:17Ginawa ng hari ng Babilonia si Matanias, ang kapatid na lalaki ng ama ni Jehoiakin, na hari kapalit niya, at pinalitan sa Zedekias ang kaniyang pangalan.
2 Chronicles 36:9Walong taong gulang si Jehoiakin nang magsimula siyang maghari. Naghari siya ng tatlong buwan at sampung araw sa Jerusalem. Ginawa niya kung ano masama sa paningin ni Yahweh.
Jeremiah 22:24Dahil buhay ako—ito ang pahayag ni Yahweh— kahit na ikaw, Jehoiakin na anak ni Jehoiakim, hari ng Juda, ay ang singsing na pantatak na nasa aking kanang kamay, sisirain kita.
Jeremiah 24:1Nagpakita si Yahweh ng isang bagay sa akin. Masdan, dalawang basket ng igos ang nakalagay sa harapan ng templo ni Yahweh. (Ang pangitain na ito ay nangyari pagkatapos dalhin ni Nebucadnezar, na hari ng Babilonia, sa pagkakabihag si Jeconias na anak ni Jehoiakim, na hari ng Juda, ang mga pinuno ng Juda, mga mang-uukit at mga manggagawa ng bakal mula sa Jerusalem at dinala sila sa Babilonia.)
Ezekiel 17:12“Sabihin mo sa mga mapanghimagsik na sambahayan, 'Hindi ba ninyo alam ang ibig sabihin ng mga bagay na ito? Tingnan mo! Ang hari ng Babilonia ay nagpunta sa Jerusalem at kinuha ang hari at ang kaniyang mga prinsipe at dinala sila sa kaniya sa Babilonia.