Jeremiah 37:13
Habang nasa Tarangkahan siya ng Benjamin, nandoon ang isang pinunong bantay. Ang kaniyang pangalan ay Irijas na anak ni Selemias na anak ni Hananias. Hinawakan niya ng mahigpit si Jeremias na propeta at sinabi, “Tumatakas ka upang kumampi sa mga Caldeo.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Jeremiah 18:18Kaya sinabi ng mga tao, “Halikayo, gumawa tayo ng masamang balak laban kay Jeremias, sapagkat ang kautusan ay hindi mawawala sa mga pari, o payo sa mga taong marurunong, o mga salita sa mga propeta. Halikayo, atin siyang labanan ng ating mga pananalita at huwag nang magbigay pansin sa anumang bagay na kaniyang ipapahayag.”
Jeremiah 21:9Ang sinumang mananatili sa lungsod na ito ay mamamatay sa pamamagitan ng espada, kagutuman at salot; ngunit sinuman ang lalabas at magpapatirapa sa harapan ng mga Caldeo na nasa palibot ninyo ay mabubuhay. Maililigtas niya ang kaniyang sarili.
Jeremiah 27:12Kaya sinabi ko kay Zedekias na hari ng Juda at ibinigay ko sa kaniya ang mensaheng ito, “Ilagay ninyo sa inyong mga leeg ang pamatok ng hari ng Babilonia at paglingkuran siya at ang kaniyang mga tao at mabubuhay kayo.
Jeremiah 36:12Bumaba siya sa tahanan ng hari, sa silid ng kalihim. Tingnan ninyo, lahat ng mga opisyal ay nakaupo roon, si Elisama na eskriba, si Delaias na anak ni Semias, si Elnatan na anak ni Acbor, si Gemarias na anak ni Safan at Zedekias na anak ni Hananias at ang lahat ng mga opisyal.
Jeremiah 38:4Kaya sinabi ng mga opisyal sa hari, “Patayin ang taong ito, sapagkat sa paraang ito pinahihina niya ang mga kamay ng mga mandirigmang kalalakihan na nananatili sa lungsod na ito, at ang mga kamay ng lahat ng mga tao. Pinahayag niya ang mga salitang ito, sapagkat ang taong ito ay hindi gumagawa ng kaligtasan para sa mga taong ito, kundi kapahamakan.”
Jeremiah 38:10At nagbigay ng utos ang hari kay Ebed-Melec na taga-Cush. Sinabi niya, “Pangunahan mo ang tatlumpung kalalakihan mula rito at iahon ninyo si propeta Jeremias na nasa balon bago siya mamatay.”