Jeremiah 38:21
Ngunit kung tatanggi kang lumabas, ito ang ipinakita sa akin ni Yahweh:
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
But if thou refuse to go forth, this is the word that the LORD hath shewed me:
In Context
Cross References
Exodus 16:28Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Gaano katagal kayong tatangging sundin ang aking mga kautusan at mga batas?
Numbers 24:13'Kahit na ibibigay ni Balak sa akin ang kaniyang palasyo na puno ng pilak at ginto, hindi ako susuway sa mga salita ni Yahweh at anumang bagay na masama o mabuti, o lahat ng bagay na gusto ko sanang gawin. Sasabihin ko lamang kung ano ang gusto ni Yahweh na sabihin ko.' Hindi ko ba nasabi ito sa kanila?
Job 23:13Pero kakaiba siya, sino ang kayang magpatalikod sa kaniya? Kung ano ang ninanais niya, ginagawa niya.
Proverbs 1:24Ako ay tumawag, at kayo ay tumangging makinig; inaabot ko sila ng aking kamay, ngunit walang nagbigay pansin.
Jeremiah 5:3Yahweh, hindi ba't tumitingin ka sa katapatan? Hinampas mo ang mga tao ngunit hindi sila nakaramdam ng sakit. Ganap mo silang nilipol, ngunit tumanggi pa rin silang tanggapin ang iyong pagdidisiplina. Ginawa nilang mas matigas kaysa sa bato ang kanilang mga mukha sapagkat tumanggi silang magsisi.
Jeremiah 26:15Ngunit dapat ninyong malaman na kapag pinatay ninyo ako, nagdadala kayo ng walang-salang dugo sa inyong mga sarili, sa lungsod na ito at sa mga naninirahan dito, sapagkat tunay na isinugo ako sa inyo ni Yahweh upang ipahayag ko ang lahat ng mga salitang ito sa inyong mga tainga.”