Jeremiah 39:14
Kinuha ng kanilang mga kalalakihan si Jeremias mula sa patyo ng mga bantay at ipinagkatiwala siya kay Gedalias na anak ni Ahikam na anak naman ni Safan, upang iuwi siya, kaya nanatili si Jeremias kasama ng mga tao.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 22:12Inutusan ng hari sina Hilkias ang pari, Ahikam na anak ni Safan, Akbor na anak ni Mikaias, Safan ang eskriba, at Asaias, ang kaniyang sariling lingkod, na sinasabing,
Psalms 105:19hanggang sa panahon na ang kaniyang hula ay nagkatotoo. Pinatunayan ng salita ni Yahweh na siya ay matuwid.
Jeremiah 26:24Ngunit na kay Jeremias ang mga kamay ni Ahikam na anak ni Safan, kaya hindi siya ibinigay sa mga kamay ng mga tao upang kanilang patayin.
Jeremiah 38:13At hinila nila si Jeremias sa pamamagitan ng mga lubid. Sa ganitong paraan nila siya iniahon mula sa balon. Kaya nanatili si Jeremias sa patyo ng mga bantay.
Jeremiah 39:15Ngayon dumating ang salita ni Yahweh kay Jeremias habang siya ay nakakulong sa patyo ng mga bantay, at sinabi niya,
Jeremiah 40:7Ngayon, narinig ng ilang mga pinuno ng mga kawal ng Juda na nasa kabukiran—sila at ng kanilang mga kalalakihan—na ginawang gobernador ng hari ng Babilonia sa lupain si Gedalias na anak ni Ahikam. Narinig din nila na itinalaga niya siyang mamahala sa mga kalalakihan, kababaihan at sa mga batang pinakamahirap na mga tao sa lupain, ang mga hindi binihag sa Babilonia.