The Bible Software
bible.software › Jeremias › Jeremias 4 › Jeremias 4:16

Jeremias 4:16

Hayaang isipin ng mga bansa ang tungkol dito. Tingnan ninyo, ipahayag ninyo sa Jerusalem na paparating ang mga mananakop sa malayong lupain upang sumigaw ng pakikidigma laban sa mga lungsod ng Juda.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

Make ye mention to the nations; behold, publish against Jerusalem, that watchers come from a far country, and give out their voice against the cities of Judah.

In Context

15Sapagkat ang isang tinig ay nagdadala ng mga balita mula sa Dan at narinig ang paparating na sakuna mula sa kabundukan ng Efraim.

17Magiging tulad sila ng mga kalalakihang tagapagbantay na nakapalibot sa sinasakang bukid, sapagkat naghihimagsik siya laban sa akin.

Read all of Jeremias 4

Cross References

Isaiah 34:1Lumapit kayo, kayong mga bansa, at makinig; bigyang-pansin, kayong bayan! Ang lupa at lahat ng pumupuno rito ay dapat makinig, ang mundo, at lahat ng mga bagay na nanggagaling mula rito.

Jeremiah 2:15Umaatungal ang mga batang leon laban sa kaniya. Nagsihiyawan sila at ginawang katakot-takot ang kaniyang lupain! Nawasak ang kaniyang mga lungsod ng walang sinuman ang naninirahan.

Jeremiah 5:6Kaya isang leon mula sa kasukalan ang sasalakay sa kanila. Isang lobo mula sa Araba ang wawasak sa kanila. Isang nagkukubling leopardo ang darating laban sa kanilang mga lungsod. Ang sinumang lalabas sa kaniyang lungsod ay lalapain. Sapagkat tumindi ang kanilang mga pagkakasala. Ang kanilang kataksilan ay walang hangganan.

Jeremiah 6:18Kaya, mga bansa, makinig kayo! Tingnan ninyo, kayong mga saksi, kung ano ang mangyayari sa kanila.

Jeremiah 6:22Ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Tingnan ninyo, dumarating ang mga tao mula sa lupain sa hilaga. Sapagkat nahikayat na pumunta ang isang dakilang bansa mula sa malayong lupain.

Jeremiah 16:6kaya ang dakila at ang hamak ay mamamatay sa lupang ito. Sila ay hindi ililibing, at walang sinumang magluluksa para sa kanila. Isa man ay walang magsusugat sa kanilang sarili o mag-aahit ng kanilang mga ulo para sa kanila.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Jeremias 4:16

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Jeremias 4:15Jeremias 4Jeremias 4:17 →