Jeremias 4:18
At ang iyong mga pag-uugali at mga gawain ang gumawa ng mga bagay na ito sa iyo. Ito ang magiging kaparusahan mo. Magiging katakot-takot ito! Tatagos ito sa kaibuturan ng iyong puso. Ito ang pahayag ni Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 107:17Hangal sila sa kanilang suwail na mga pamamaraan at naghihirap dahil sa kanilang mga kasalanan.
Proverbs 5:22Ang isang masamang tao ay mabibitag ng kaniyang sariling mga kasalanan; ang mga lubid ng kaniyang kasalanan ay pipigilan siya ng mahigpit.
Jeremiah 2:17Hindi mo ba ito ginawa sa iyong sarili nang talikuran mo si Yahweh na iyong Diyos habang pinangungunahan ka niya sa iyong paglalakbay?
Jeremiah 5:19Mangyayari ito kapag sinabi ninyo, Israel at Juda, 'Bakit ginawa ni Yahweh na ating Diyos ang lahat ng mga bagay na ito sa atin?' At sasabihin mo Jeremias sa kanila, 'Kung paanong tinalikuran ninyo si Yahweh at sumamba sa mga dayuhang diyos sa inyong lupain, maglilingkod din kayo sa mga dayuhan sa isang lupaing hindi ninyo pag-aari.'
Jeremiah 14:16At ang mga tao na kanilang pinagpahayagan ay maitatapon sa labas ng mga lansangan ng Jerusalem dahil sa taggutom at espada, sapagkat walang sinuman ang maglilibing sa kanila. Sa kanila, sa kanilang mga asawang babae o sa kanilang mga anak. Sapagkat ibubuhos ko sa kanila ang kanilang mga kasamaan.
Lamentations 3:15Pinuno niya ako ng kapaitan at pinilit painumin ng ajenjo.