Jeremiah 4:2
at kung ipapangako mo, 'Namumuhay si Yahweh sa katotohanan, katarungan at katuwiran,' hihilingin ng mga bansa ang aking pagpapala at pupurihin nila ako.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 6:13Pararangalan ninyo si Yahweh na inyong Diyos; sasambahin ninyo siya, at mangangako kayo ayon sa kaniyang pangalan.
1 Samuel 20:3Gayunman nangako muli si David at sinabing, “Alam na alam ng iyong ama na nakasumpong ako ng pabor sa iyong paningin. Nasabi niyang, 'Huwag hayaang malaman ito ni Jonatan, o magluluksa siya.' Ngunit tunay nga na habang nabubuhay si Yahweh, at habang nabubuhay ka, may isang hakbang lamang sa pagitan ko at ng kamatayan.”
Psalms 72:17Manatili nawa ang pangalan ng hari magpakailanman; nawa tumagal ang pangalan niya gaya ng araw; pagpalain nawa ang mga tao sa kaniya; nawa ang lahat ng bansa ay tawagin siyang pinagpala.
Isaiah 45:23Ako ay sumusumpa sa aking sarili, sinasabi ang aking makatarungang atas, at hindi ito babalik: Sa akin ang bawat tuhod ay luluhod, bawat dila ay susumpa,
Isaiah 48:1Pakinggan ninyo ito, sambahayan ni Jacob, na tinawag sa pangalang Israel, at mula sa semilya ni Juda; kayo na nanunumpa sa pangalan ni Yahweh at tinatawag ang Diyos ng Israel, pero hindi taos-puso o sa matuwid na paraan.
Jeremiah 5:2Kahit na sinasabi nila, 'Sa pamamagitan ng buhay ni Yahweh,' sumusumpa sila ng hindi totoo.”