Jeremias 4:20
Pagkagiba pagkatapos ng pagkagiba ang inihayag, sapagkat biglang nawasak ang lahat ng lupain. Bigla nilang winasak ang aking tabernakulo at ang aking tolda.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
21Gaano katagal kong makikita ang pamantayan? Maririnig ko ba ang tunog ng tambuli?
Cross References
Exodus 33:5Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sabihin mo sa mga Israelita, 'Kayo ay isang bayang matitigas ang ulo. Kung sasama ako sa inyo kahit sandali lamang, wawasakin ko kayo. Kaya ngayon, alisin ninyo ang inyong mga alahas kaya makakapagpasya ako kung ano ang gagawin ko sa inyo.'''
Leviticus 26:21Kung maglalakad kayo laban sa akin at hindi makikinig sa akin, magdadala ako sa inyo ng pitong beses pang palo na katumbas ng inyong mga kasalanan.
Leviticus 26:28ay lalakad ako laban sa inyo sa galit at paparusahan ko kayo ng kahit pitong beses pang ulit na katumbas ng inyong mga kasalanan.
Numbers 16:45“Lumayo ka mula sa harapan ng sambayanang ito upang malipol ko sila agad-agad.” Pagkatapos nagpatirapa sina Moises at Aaron.
Psalms 72:19Pagpalain nawa ang kaniyang maluwalhating pangalan magpakailanaman, at mapuno nawa ang mundo ng kaniyang kaluwalhatian. Amen at Amen.
Isaiah 33:20Pagmasdan ang Sion, ang lungsod ng aming mga pista; makikita ng inyong mga mata ang Jerusalem bilang isang tahimik na matitirahan, isang tolda na hindi maaalis, na ang mga tulos ay hindi mahihila ni anuman sa mga tali nito ang masisira.