Jeremias 4:24
Tiningnan ko ang mga kabundukan. Masdan, nanginginig sila at nayayanig ang lahat ng mga burol.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
I beheld the mountains, and, lo, they trembled, and all the hills moved lightly.
In Context
25Tumingin ako. Masdan, wala ni isa man at nagsitakas ang lahat ng ibon sa kalangitan.
Cross References
1 Kings 19:11Sumagot si Yahweh, “Lumabas ka at tumayo sa bundok sa aking harapan.” Pagkatapos dumaan si Yahweh, at isang napakalakas na hangin ang humampas sa mga bundok at pinagpira-piraso ang mga bato sa harapan ni Yahweh, pero si Yahweh ay wala sa hangin. Pagkatapos ng malakas na hangin, isang lindol ang dumating, pero wala si Yahweh sa lindol.
Psalms 77:18Ang madagundong mong boses ay narinig sa hangin; inilawan ng kidlat ang mundo; nanginig at nayanig ito.
Psalms 114:4Ang mga bundok ay lumukso na parang mga tupa, ang mga burol ay lumukso na parang mga batang tupa.
Isaiah 13:13Dahil dito, papanginigin ko ang kalangitan, at yayanigin ang lupa sa kinalalagyan nito, sa pamamagitan ng matinding poot ni Yahweh ng mga hukbo, at sa araw ng kaniyang matinding galit.
Jeremiah 8:16Narinig mula sa Dan ang pagsinghal ng kaniyang mga kabayong lalaki. Nayayanig ang buong daigdig sa tunog ng halinghing ng kaniyang mga malalakas na kabayo. Sapagkat darating sila at kukunin ang lupain at ang kayamanan nito, ang lungsod at ang mga naninirahan dito.
Ezekiel 38:20Manginginig sila sa aking harapan—ang isda sa dagat at ang mga ibon sa mga kalangitan, ang mga mababangis na hayop sa mga kaparangan, at ang lahat ng mga gumagapang sa kalupaan, at ang bawat tao na nasa ibabaw ng lupain. Guguho ang mga bundok at babagsak ang mga matatarik na dalisdis, hanggang ang bawat pader ay babagsak sa kalupaan.