Jeremias 4:27
Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Ang lahat ng lupain ay mawawasak, ngunit hindi ko sila lubos na sisirain.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
For thus hath the LORD said, The whole land shall be desolate; yet will I not make a full end.
In Context
Cross References
Leviticus 26:31Gagawin kong sira-sirang lugar ang inyong mga lungsod at sisirain ang inyong mga santuwaryo. Hindi ako malulugod sa samyo ng inyong mga handog.
2 Chronicles 36:21Nangyari ito upang maganap ang salita ni Yahweh sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias, hanggang sa masiyahan ang lupain sa kaniyang Araw ng Pamamahinga. Sapagkat habang ang lupain ay pinabayaan ipinagdiwang nito ang Araw ng Pamamahinga sa loob ng pitumpung taon.
Isaiah 17:6Pero, ititigil ang pamumulot kapag nayanig ang puno ng olibo: dalawa o tatlong olibo sa tuktok ng mataas na bahagi ng sanga, apat o lima sa pinaka mataas na sanga ng masagang puno—ito ang kapahayagan ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
Isaiah 24:3Ganap na masisira ang mundo at ganap na huhubaran; dahil sinabi na ni Yahweh ang salitang ito.
Jeremiah 5:10Akyatin ninyo ang bakuran ng kaniyang mga ubasan at wasakin. Ngunit huwag silang lubusang wasakin. Putulin ang kanilang mga puno ng ubas, sapagkat ang mga puno ng ubas na iyon ay hindi galing kay Yahweh.
Jeremiah 7:34Wawakasan ko ang mga lungsod ng Juda at ang mga lansangan ng Jerusalem, ang mga himig ng pagpaparangal at pagsasaya, ang mga himig ng mga lalaki at babaing ikakasal, yamang magiging isang malagim ang lupain.”