Jeremias 4:28
Sa kadahilanang ito, magdadalamhati ang lupain at ang kalangitan sa itaas ay magdidilim. Sapagkat inihayag ko ang aking mga layunin, hindi ko ito babawiin, hindi ko tatalikuran ang pagpapatupad ng mga ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 23:19Hindi isang tao ang Diyos, na kailangan niyang magsinungaling, o isang tao, na kailangang magbago ang kaniyang isip. Nangako ba siya ng anumang bagay na hindi ito ginagawa? Nagsabi ba siyang gagawin niya ang isang bagay na hindi niya ito tinutupad?
Isaiah 5:30Sa araw na iyon, aatungal sila laban sa kanilang biktima gaya ng pag-ugong ng dagat. Kung titingnan ng isang tao ang lupain, kadiliman at kalungkutan ang kaniyang makikita, at tatakpan ng mga ulap ang liwanag.
Isaiah 24:4Manunuyo at malalanta ang mundo, mabubulok at maglalaho ang mundo, mabubulok ang mga kilalang tao sa lupa.
Isaiah 34:4Lahat ng bituin sa kalawakan ay maglalaho, at ang kalawakan ay ibabalumbon gaya ng isang balumbon ng kasulatan; at lahat ng kanilang mga bituin ay maglalaho, gaya ng dahon na nalalagas mula sa patay na puno ng ubas, at gaya ng labis na hinog ng mga igos mula sa puno ng igos.
Isaiah 50:3Dinadamitan ko ang himpapawid ng kadiliman; tinatakpan ko ito ng sako.”
Jeremiah 7:16At ikaw, Jeremias, huwag kang manalangin para sa mga taong ito at huwag kang tumangis ng panaghoy o manalangin para sa kanila at huwag kang makiusap sa akin sapagkat hindi kita pakikinggan.