The Bible Software
bible.software › Jeremias › Jeremias 4 › Jeremias 4:6

Jeremias 4:6

Itaas ang bandilang panghudyat at ituro ito sa Zion at tumakbo para sa kaligtasan! Huwag kayong manatili sapagkat magdudulot ako ng sakuna mula sa hilaga at isang malaking pagkawasak.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

Set up the standard toward Zion: retire, stay not: for I will bring evil from the north, and a great destruction.

In Context

5Ibalita sa Juda at hayaan itong marinig sa Jerusalem. Sabihin ninyo, “Hipan ang trumpeta sa lupain.” Ihayag ninyo, 'Magtipun-tipon. Pumunta tayo sa matitibay na mga lungsod.”

7Isang leon ang paparating mula sa kasukalan at naghahanda na ang wawasak ng mga bansa. Iiwan niya ang kaniyang lugar upang magdala ng matinding takot sa inyong lupain, upang wasakin ang inyong mga lungsod kung saan walang sinuman ang maninirahan.

Read all of Jeremias 4

Cross References

Jeremiah 1:13Dumating sa akin ang salita ni Yahweh sa pangalawang pagkakataon at sinabi, “Ano ang iyong nakikita? “Sinabi ko, “Nakikita ko ang isang pinakuluan na palayok, na nakatagilid mula sa hilaga.”

Jeremiah 4:21Gaano katagal kong makikita ang pamantayan? Maririnig ko ba ang tunog ng tambuli?

Jeremiah 6:22Ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Tingnan ninyo, dumarating ang mga tao mula sa lupain sa hilaga. Sapagkat nahikayat na pumunta ang isang dakilang bansa mula sa malayong lupain.

Jeremiah 21:7Pagkatapos nito— ito ang pahayag ni Yahweh—si Zedekias na hari ng Juda, ang kaniyang mga lingkod, ang mga tao, at ang sinumang natira sa lungsod na ito pagkatapos ng salot, ang espada at ang kagutuman—ipapasakamay ko silang lahat kay Nebucadnezar na hari ng Babilonia, na kanilang mga kaaway at sa mga naghahangad ng kanilang buhay. At papatayin niya sila gamit ang talim ng espada. Hindi niya sila kaaawaan, ililigtas, o kahahabagan.'

Jeremiah 50:2“Ipahayag mo sa mga bansa at maging dahilan upang makinig sila. Magbigay ka ng isang hudyat at maging dahilan upang makinig sila. Huwag mo itong ilihim at sabihin mo, “Nasakop na ang Babilonia at nalagay na sa kahihiyan ang Bel. Nanlupaypay na ang Merodac. Nalagay sa kahihiyan ang kanilang mga diyus-diyosan, nasira ang mga imahen nito.'

Jeremiah 51:12Itaas ninyo ang bandila sa ibabaw ng mga pader ng Babilonia at ilagay sa pwesto ang mga taga-bantay. Italaga ninyo ang mga magbabantay at ikubli ang mga kawal upang hulihin ang sinumang tumatakbo mula sa lungsod, sapagkat gagawin ni Yahweh ang kaniyang mga plano. Gagawin niya ang kaniyang ipinahayag laban sa mga naninirahan sa Babilonia.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Jeremias 4:6

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Jeremias 4:5Jeremias 4Jeremias 4:7 →