Jeremias 40:1
Ito ang salitang dumating kay Jeremias mula kay Yahweh pagkatapos siyang ipinadala mula sa Rama ni Nebuzaradan, na kapitan ng tagapagbantay ng hari. Na kung saan nadala na roon si Jeremias, at kung saan ginapos siya ng mga kadena. Kasama niya ang mga bihag sa Jerusalem at sa Juda na ipapatapon sa Babilonia.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 7:17Pagkatapos babalik siya sa Rama, sapagkat naroon ang bahay niya; at doon pinagpapasiyahan din niya ang mga alitan para sa Israel. Gumawa rin siya ng altar doon kay Yahweh.
Psalms 68:6Inilalagay ng Diyos ang mga nalulungkot na magkaroon ng mga pamilya; pinalalaya niya ang mga bilanggo na nag-aawitan; pero maninirahan sa tigang na lupa ang mga suwail.
Jeremiah 31:15Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Isang tinig ang narinig sa Rama na nananaghoy at mapait na nagluluksa. Ito ay si Raquel na umiiyak para sa kaniyang mga anak. Tumanggi siyang paaliw sa kanila, sapagkat sila ay patay na.”
Jeremiah 39:11Nagbigay si Nebucadnezar na hari ng Babilonia ng isang utos tungkol kay Jeremias kay Nebuzaradan na kapitan ng mga tagapagbantay ng hari. Sinabi niya,
Acts 12:6Nang araw bago siya ilabas ni Herodes, nang gabing iyon, natutulog si Pedro sa pagitan ng dalawang kawal, gapos ng dalawang mga tanikala at nagbabantay ang mga bantay sa harap ng pintuan ng bilangguan.
Acts 28:20Dahil sa aking kahilingan, pagkatapos nakiusap ako na makita kayo at makipag-usap sa inyo. Ito ang dahilan kung bakit napalakas ang loob ng Israel na ako ay naigapos sa kadenang ito.